Walang ideya ang Malakanyang hinggil sa nilalaman ng naging pag-uusap nina Chinese Ambassador Jing Quan at First Lady Liza Marcos sa isang event.
Ito’y matapos ibahagi ng envoy sa kaniyang social media na nagkaroon sila ng “pleasant conversation” kasama ang Unang Ginang.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, hindi ibinahagi ni FL Liza Marcos sa Presidential Communications Office (PCO) kung ano ang mga napag-usapan nila ng Chinese envoy.
Binigyang-diin din ni Castro na ang pagdalo ng Unang Ginang sa mga public consular events at hindi ito nagre-reflect na bahagi ito ng polisiya o diplomatikong tindig ng administrasyon.
Dagdag pa ni Castro, malinaw sa China ang hangarin ng administrasyon na isulong ang diplomasya at maayos na pag-uusap upang maresolba ang anumang isyu, kaya’t hindi na kinakailangan pang palalain ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
















