Hinimok ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang National Bureau of Investigation (NBI) na magpadala ng senior delegation sa Interpol headquarters upang tutukan ang kanilang kahilingan para sa red notice laban sa dating kongresista na si Zaldy Co.
Ayon kay Tiangco, noong Nobyembre 23, 2025, hiniling ng ahensya request ngunit hanggang ngayon ay wala pang tugon mula sa Interpol, na karaniwang umaabot lamang ng tatlo hanggang apat na linggo ang tugon nito.
Binigyang-diin ng Kongresista na kritikal ang pagkaantala dahil maaaring makalabas at makagalaw si Co habang may mga kasong kriminal na nakabinbin laban sa kanya.
Magugunitang si Co ay nahaharap sa corruption at malversation charges kaugnay ng umano’y P289.5-milyong anomalous road dike project sa Oriental Mindoro, pati na rin sa plunder complaints na isinampa ng NBI. Kamakailan, lumabas na pumirma si Co ng petisyon sa Supreme Court sa Stockholm, Sweden noong Enero 15.
Ani Tiangco, makakatulong ang red notice upang limitahan ang kilos ni Co at masubaybayan ang kanyang lokasyon, kaya nanawagan siya sa NBI na maging proactive sa pag-follow up sa Interpol.















