-- Advertisements --

Naghain si Senate Committee on Ways and Means Chairman Senador Sherwin Gatchalian ng panukalang batas upang higpitan ang operasyon at pagpapatupad ng online gambling sa Pilipinas.

Ipinagbabawal ng panukalang batas ang pag-sponsor ng sugal sa anumang pampublikong kaganapan at campaign donations.

Inaatasan din nito ang mga regulator na ilaan ang bahagi ng nakokolektang bayad sa regulasyon para sa pagtatayo ng rehabilitation centers para sa gambling addiction.

Bukod dito, itinatakda rin nito ang minimum na cash-in na ₱10,000 upang pigilan ang madaling pag-access sa mga gambling platforms. 

Dahil sa mga problemang ito, may pangangailangang aniyang i-regulate ang mga online gambling activities sa bansa, sugpuin ang mga ilegal na operasyon ng online gambling, at parusahan ang mga nasa likod nito.