-- Advertisements --

Nagtala ng pagbaba ng kita ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos ang paghihigpit ng gobyerno laban sa online gambling.

Ayon kay PAGCOR Offshore Gaming Licensing Department AVP Jessa Fernandez na bumaba ng hanggang 49 percent ang kita ng ahensiya.

Dagadg pa nito na sa kanilang projections ay kikita sana sila ng P60-bilyon sa unang anim na buwan ng taon subalit dahil sa paghihigpit ay bumaba ang kita.

Magugunitang nitong Agosto ay tinanggal na ng gobyerno ang mga links ng e-wallets mula sa mga online gambling platforms.

Paglilinaw nito na minimal lamang ang kontribusyon ng online gambling sa kaban ng gobyerno.