-- Advertisements --
Opisyal na inindorso ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa PNP-Anti Cybercrime Group ang listahan ng 15 online influencers at entities na sangkot sa promosyon ng sugal.
Kinabibilangan ito ng mga sikat na online influencers gaya nina Toni Fowler, Whamos, Christian Merck Grey, Miss GinBilog at maraming iba pa.
Kasama ng CICC sa pagmonitor ang Digital Pinoy kung saan naverify nila ang pag-endorso ng mga ito ng hindi lisensyadong gambling sites.
Ginagamit ng mga iligal gambling sites ang influencers para magpromote sa livestream ng nasabing sugal kung saan maging ang mga menor-de-edad ay nahahayaan na makapagsugal.
Natitiyak ng CICC na tuloy-tuloy ang gagawing monitoring laban sa mga nagpo-promote ng mga iligal na sugal.















