-- Advertisements --
Hawak na ng TNT Tropang 5G ang 2-0 na bentahe laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa best of seven semifinals.
Nalusutan kasi ng TNT ang Rain or Shine sa overtime game 113-105 sa laro ng ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 39 points habang mayroong 13 points, 11 assists, anim na rebounds at dalawang steals si Jordan Heading.
Ikinatuwa naman ni TNT coach Chot Reyes ang naging performance ng kaniyang manlalaro lalo na si Gilas player Oftana.
Nasayang naman ang nagawang 27 points ni Adrian Nocum para sa Elasto Painters.