-- Advertisements --

Nahatiran na ng tulong ang mga residenteng nananatili sa evacuation center na una nang inilikas mula sa Brgy. San Jose, Navotas City, matapos bumigay ang bahagi ng river wall noong Hunyo 28, 2025.

Matatandaang umabot sa leeg ang baha sa ilang lugar matapos ang insidente, dahilan upang agad na ilikas ang nasa 30 pamilya o 121 katao.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga evacuees sa Navotas Elementary School I at sa barangay hall, kung saan sila ay tinutulungan ng lokal na pamahalaan.

Namahagi ng pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan ang mga awtoridad, kabilang ang doxycycline laban sa leptospirosis. Isinasagawa na rin ang sandbagging habang hinihintay ang pagsasaayos ng nasirang pader at floodgate.

Tuloy naman ang klase ng mga estudyante sa paaralang pinaglikasan ng mga apektado ng baha.