-- Advertisements --
Inilikas ang halos 700 na residente patungo sa evacuation centers dahil sa malawakang pagbaha sa mga mabababang lugar sa Cabagan, Zambales kahapon, araw ng Biyernes.
Ayon sa pamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, tinatayang 245 na pamilya, 719 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers, pasado alas-kwatro ng hapon kahapon.
Kalahati sa bilang ng mga evacuees ay mula sa Barangay Mabanglit, kung saan 180 na pamilya o 518 na indibidwal ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.
Ilan din sa mga apektadong mga lugar ay ang Apo-Apo, San Rafael, Anonang, Casabaan, Cadnang at Sta. Rita.
















