Sinabi ng Department of Justice na dapat munang dumulog sa korte si Batangas Representative Leandro Leviste bago ito makapagpiyansa.
Ito ay kasunod ng arrest warrant na inilabas ng Makati Regional Trial Court, noong Lunes, October 5, laban kay Leviste dahil sa umano’y paglabag sa Public Service Act. Ayon naman sa Department of Justice ang bail ay nagkakahalaga ng P72,000.
Nag-ugat ang kaso sa isang complaint na ipinasa ng Department of Energy at sa lima pang direktor ng Solar Para sa Bayan Corporation noong Mayo, laban kay Leviste.
Inakusahan ng Department of Energy si Leviste at lima pang direktor ng SPSBC sa paglabag sa Section 25 of Commonwealth Act No. 146 as amended by Republic Act 11659 o ang Public Service Act.
Dahil sa kabiguan nilang magtayo at magbigay ng serbisyo ng kuryente sa mga customer at end user sa mga liblib, hindi kumikita, hindi naserbisyuhan, o kulang sa serbisyong lugar, alinsunod sa itinakda ng prangkisa ng kumpanya noong 2019 na ipinagkaloob sa ilalim ng RA 11357.
Matatandaan naman na lumipad patungong France si Leviste upang alagaan umano ang kanyang ina na si Senator Loren Legarda, na nasa kanyang medical leave, ayon ito sa inpormasyon na ibinigay ng kaniyang spokesperson noong September 25.











