-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagbibitiw sa pwesto ni Undersecretary Arrey Perez sa gitna ng mga alegasyong may kaugnayan sa mga kontraktor ng ahensya.

Si Perez ay nadawit sa mga paratang ni Batangas Representative Leandro Leviste, na nagsabing may koneksyon umano si Perez sa isang kontratistang kawani ng DPWH.

Bagamat hindi pa kumpirmado ang mga detalye ng alegasyon, tiniyak ni Secretary Dizon na magpapatuloy ang imbestigasyon sa mga posibleng kaugnayan ng mga opisyal ng ahensya sa mga kontraktor.

Ang pagbibitiw umano ni Usec. Perez ay hindi hadlang sa pagpapatuloy ng pagsisiyasat.

Sisiguraduhin din aniyang mananagot ang sinumang mapatunayang may paglabag ayon pa sa kalihim.

Patuloy na hinihikayat ng DPWH ang transparency at integridad sa kanilang hanay, kasabay ng pagtutok sa mga isyung may kinalaman sa katiwalian at conflict of interest.