Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Xinjiang region sa China.

Ayon sa US Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay sa 100 kilometers east-northeast ng Kashgar Silk Road City.

Naganap ito pasado 9:00 p.m. nitong Linggo.

Nagtala ang nasabing lindol ng pagkakaguho ng ilang mga gusali sa lugar dahil sa gawa karamihan sa mga ito ng mud bricks.

Sinasabi rin na ang lugar ay napapaligiran ng mga bundok at disyerto.

-- Advertisement --