-- Advertisements --
Agarang umaksyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Capital Region (NCR) upang tulungan ang mga pamilyang nasalanta ng biglaang pagbaha sa may bahagi ng Barangay San Jose, Lungsod ng Navotas nitong nagdaang linggo.
Umabot sa 293 Family Food Packs at Family Kits ang naipamahagi ng Disaster Response Management Division para sa mga apektadong residente.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa lokal na pamahalaan ng Navotas sa pamamagitan ng Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) upang matukoy pa ang iba pang mga kinakailangan at posibleng karagdagang tulong mula sa DSWD.