-- Advertisements --

Biinuhay muli ni Senador Joel Villanueva ang kanyang isinusulong na Anti-Endo Bill, na  naglalayong wakasan na ang kontraktuwalisasyon sa bansa. 

Ang Security of Tenure and End of Endo (end of contract) bill ang pangunahing prayoridad ng senador sa pagbubukas ng 20th Congress noong Hunyo 30.

Layunin ng panukala na amyendahan ang ilang probisyon ng Labor Code upang mas maging klaro at malinaw na ipinagbabawal ang “labor-only contracting (LOC).”

“Stop endo or stop contractualization has been the longstanding and resounding call of our workers. Endo or the repeated short-term employment without the possibility of regularization is oppressive and directly undermines the constitutional rights of workers,” saad ni Villanueva. 

Sinabi pa ni Villanueva na sa ilalim ng panukala, binibigyan din ng kapangyarihan ang industry tripartite councils upang tukuyin kung anong mga trabaho ang direktang may kinalaman sa pangunahing negosyo ng isang contractee o principal.

“Through the tripartite process, workers can voice their concerns about job outsourcing, while employers can present the operational realities and evolving demands of their business,” ani Villanueva. 

Umaasa ang senador na susuportahan ng mga kapwa niya mambabatas at ng Malacañang ang kanyang panukala para sa agarang pagpasa nito.