-- Advertisements --

Inihain ni Senator Jinggoy Estrada ang Senate Bill No. 1071 o ang “Anti-Red-Tagging Act” na naglalayong ideklara ang red-tagging na isang krimen na may kaakibat na parusa upang matuldukan na ito. 

Ayon kay Jinggoy, ang red-tagging ay hindi lamang pagbibigay ng label o bansag kundi isang banta na kadalasang nagiging sanhi ng harassment, paglabag sa karapatang pantao at dahilan sa pagpaslang  ng mga aktibista, mamamahayag, community leaders at ordinaryong mamamayan. 

Ang panukalang Senate Bill No. 1071 ay naka-angkla sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong Deduro v. Maj. Gen. Vinoya, kung saan kinilala ng korte na ang red-tagging, paninirang-puri, at maling pagle-label ay naglalagay ng panganib sa buhay, kalayaan at seguridad ng isang tao. 

Layon ng panukala na kilalanin at ipaloob sa batas na ang red-tagging upang mabigyan ng proteksyon ang mamamayan kontra sa hindi makatarungang pananakot, panggigipit, o pag-uusig. 

Habang ninanais naman ng isinusulong na panukala ang pagpapataw ng 10 taong pagkakakulong at habambuhay na pagbabawal sa paghawak ng anumang posisyon sa pmahalaan ang sinumang mapapatunayang lumabag sa batas.