-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng VTV Cup 2025 ang Alas Pilipinas.
Ito ay matapos na talunin nila ang Thailand sa score na 25-17, 25-21, 25-21.
Una silang nakaabanse sa quarterfinals ng talunin ang Australia at China sa torneo na ginaganap sa Vietnam.
Naging matindi ang ipinakitang depensa ng Thailand subalit sa bandang huli ay pumalya ang service nila kaya nagwagi ang Filipinas.
Makakaharap ng Alas Womens sa semifinals ang defending champion na Korabelka kung saan gaganapin ang laro ngayong Hulyo 4.