-- Advertisements --

Ihinalintulad ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro sa ‘body odor’ ang mga naging bwelta ng China sa mga naging akusasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa mga nasabat na iligal na droga sa Zambales na hindi umano malabong kagagawan ito ng kanilang bansa para sirain ang kinabukasan ng mga mamamayang pilipino.

Ayon sa kalihim, kapag nahuhuli palagi ang China sa kanilang mga iligal na aktibidad palaging buga lamang ang kanilang mga nagiging sagot at walang naipapakitang mga sapat na ebidensya para patunayan na wala silang kinalaman sa mga gawaing ito.

Dagdag pa ng kalihim, kung ang isang tao ay may masangsang na amoy o ‘body odor’ at ito ay nagiging takayan at kasalukuyan nang pinaguusapan imbis aniya na magbago at maligo, ay isisisi lamang ito sa taong nakakaamoy o nakakaalam.

Ani pa ni Teodoro, ang mga ahensya at ang pamahalaan ng Pilipinas ay nagsasalita nang may kalakip at kasamang mga ebidenysa na siyang magpapatunay at susuporta sa mga naturang akusasyon at pahayag.

Kaya naman payo ng kalihim sa China, kung pinapasinungalingan nila ang mga akusasyon hinggil sa pagpapalaganap ng iligal na droga sa mga katubigan ng West Philippine Sea, magpakita at magbigay aniya sila ng sapat na ebidensyang susuporta sa kanilang mga pahayag at huwag lamang puro buga.

Samantala, matatandaan naman na inihayag ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad sa isang pulong balitaan sa Villamor Airbase sa Pasay City, na hindi malabo at malkas ang kanilang kutob na ang mga droga ay mula sa China dahil sa mga Chinese markings na nakita sa mga packaging ng mga droga kung saan nasakote rin ang isang chinese-malaysian na foreign national.