Itinuturing ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na isang pagtataksil ang pagdepensa ng ilang mambabatas sa ginagawang pananakop ng China sa ilang isla ng Pilipinas.
Sinabi Tarriela, na malinaw na pagtataksil sa bansa ang pagkontra ng mga mambabatas na tama ang China sa pag-angkin nila sa West Philippine Sea.
Ang sinuman aniya na nagtatanggol sa China ay siyang nagpapalakas sa kanilang interest na angkinin ang pag-aari ng Pilipinas.
Malinaw aniya ang 2016 arbitral tribunal ruling na pinaburan ang Pilipinas sa tinatawag ng China na nine-dash-line.
Wala na rin dapat ipaliwanag dahil sa nakasaad na ito sa Philippine Maritime Zone Act na nagbibigay ng code sa territorial waters ng bans.
Magugunitang nagkaroon ng diskusyon sa Senado sina Senator Francis Pangilinan at Sen. Rodante Marcoleta ukol sa West Philippine Sea kung saan sumentro ang debate nila sa 200-nautical mile exclusive economic zone sa ilalim ng arbitral ruling.
















