Naniniwala si Senate President Franklin Drilon na ang mga pinakahuling paggalaw sa Senado ay may kaugnayan sa 2028 Presidential Elections.
Pangunahin dito ang napaulat na pagpapalit ng liderato sa mataas na kapulungan.
Paliwanag ni Drilon, posibleng maiimpluwensiyahan ang desisyon ng mga senador sa papalapit na national elections, kasabay na rin ng pagnanais ng mga ito na maging bahagi ng majority.
Inihalimbawa ni Drilon ang panibagong ulat ng pagpapalit ng lider sa Senado at ang mahinang kapit ni Senate President Vicente Sotto III sa kaniyang posisyon.
Malaki ang posibilidad aniya na ang boto ng mga senador na dating sumuporta sa Senate Precidency ni Sotto ay maapektuhan ng kanilang pipiliin o susuportahan sa nalalapit na national elections.
Tinukoy din ng batikang senador ang isang sitwasyon kung saan may-isang malaking presidentiable tulad ni VP Sara Duterte na mag-aalok ng vice presidency sa isang senador o maging katandem sa nalalapit na halalan, kapalit ng kaniyang suporta.
Naniniwala ang dating senador na halos lahat ng mga aksyon ng pulitiko ngayon, hindi lamang sa Senado, ay dahil sa epekto at impluwensiya ng nalalapit na presidential at local elections.
















