-- Advertisements --
Lalaban na lamang sa pagiging third runner-up ang Alas Pilipinas matapos na talunin sila ng defending champion na Korabelka sa VTV Cup Finals.
Bagamat lumaban pa rin ang pambato ng bansa ay nanaig pa rin ang defending champion at naitala ang score na 16-25, 27-25, 17-25, 22-25 sa laro na ginanap sa Vietnam.
Nabigo sina Jia de Guzman, Brooke Van Sickle, MJ Phillips, at Eya Laure na puwersahin ang laro sa fifth set laban sa Russian players.
Hihintayin na lamang ng national team ang sinumang manalo sa pagitan ng Vietnam at Chinese Taipei para sa third place.