Nilinaw ng Korte Suprema na maaaring kumpiskahin o i-garnish ang sweldo ng mga opisyal ng gobyerno upang bayaran ang kanilang utang, alinsunod sa kasalukuyang batas.
Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Samuel Gaerlan, sinabi ng Third Division ng Korte na hindi exempted sa garnishment ang sweldo ng mga pampublikong opisyal, gaya ng kaso ni Atty. Fred Bagbagen.
Pinayagan ng RTC ang garnishment ng kanyang sweldo na naka-deposito sa Philippine Veterans Bank para mabayaran ang utang na P308,000 kay Anna May Perez.
Bagama’t napawalang-sala si Bagbagen sa kasong estafa, napatunayang may sibil na pananagutan parin ito.
Gayundin ang pagtanggi ng RTC at Court of Appeals sa argumento ni Bagbagen na ang kanyang sweldo ay pondo pa ng gobyerno hangga’t hindi nagagamit.
Pero ayon sa Korte Suprema, wala umanong batas na nag-e-exempt sa sweldo ng mga opisyal mula sa garnishment.
Sa ilalim ng kasi ng Rule 39 ng Rules of Court, puwedeng ipangbayad sa utang ang mga sahod, pribado man o pampubliko.
Exempted lamang ito para sa manual laborers o manggagawa kung saan protektado ang hanggang apat na buwang halaga ng sahod, upang masiguro ang pantustos sa kanilang pamilya.
Binigyang-diin rin ng Korte na mas mataas ang pamantayan sa pananalapi at pananagutan ng mga kawani ng pamahalaan dahil sila ay tagapag-ingat ng tiwala ng publiko.