Magtutungo na sa Wuhan, China ang grupo ng World Health Organization.

Ito mismo ang kinumpirma ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus matapos ang pagtungo nila sa Beijing, Sichuan at Guangdong.

Magugunitang ang Wuhan ay siyang itinuturing na epicenter kung saan nagmula ang nasabing virus.

Binubuo it ng mga eksperto mula sa S Centers for Disease Control and Prevention at US National Institutes of Health,ganun din mga eksperto mula sa Singapore, South Korea, Japan, Nigeria, Germany at Russia.

Mga eksperto ito sa epidemiology, virology, clinical management, outbreak control and public health.