-- Advertisements --
Muling tumanggap, sa ikalawang pagkakataon ang Commission on Elections (COMELEC) ng ‘unqualified opinion’ mula sa Commission on Audit (CoA).
Una nila itong nakuha noong 2024, isang makasaysayang tagumpay para sa poll body matapos ang mahabang panahon.
Ang unqualified opinion ay indikasyon na maayos at malinis ang financial report ng poll body, alinsunod sa International Public Sector Accounting Standards (IPSAS).
Pagtitiyak ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na ipagpapatuloy nila ang pagiging transparent at accountable pagdating sa mga ginagastos ng poll body.