-- Advertisements --

Nagbayad na ng kaniyang multa na P30,000 ang content creator na si Francis Leo Marcos sa Korte Suprema.

Napatunayan kasi ng Supreme Court na guilty si FLM ng indirect contempt dahil sa paglapastangan ng proseso ng korte.

Naghain kasi ito ng petisyon at hiniling ng injuctive relief matapos na ideklara siya ng Commission on Election bilang nuissance candidate sa pagtakbo niya bilang Senador noong 2025 elections.

Subalit paglabas ng SC ng temporary restraining order ukol sa desisyon ng Comelec ay binawi rin ni FLM ang kaniyang certificate of candidacy.

Dahil sa ginawa ng FLM ay ikinagalit ng SC ang ginawa nito kung saan isang lantaran na paglapastangan sa SC.

Nitong Martes ay naglabas ng desisyon ang SC at lumabas na guilty si FLM dahil sa indirect contempt.