-- Advertisements --
Magkakasabay na nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng langis.
Nitong ala-6 ng umaga ng simulan ang P1.40 kada litro na bawas sa gasolina.
Habang ang diesel ay mayroong P1.80 sa kada litro na bawas.
Magkakaroon din ng P2.20 na kada litro na bawas sa kerosene.
Ilan sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy (DOE) ay ang paghupa na ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Iran.
Inaasahan din ang bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.