-- Advertisements --

Itinanggi ng White House na tinanggal ni US President Donald Trump si US infectious disease expert Dr. Anthony Fauci.

Sinabi ni White House spokesman Hogan Gidley, nananatiling pinagkakatiwalaang adviser ng US President si Fauci.

Nagbunsod ang isyu matapos na sabihin ni Fauci na maraming buhay sana sa US ang nailigtas kapag maagang nagpatupad si Trump ng travel ban.

Paglilinaw naman ni Fauci na nagkamali lamang siya sa pagpili ng mga salitang ginamit noong isinagawa ang panayam sa kaniya.

Ang 79-anyos na si Fauci ay namuno sa federal infectious disease agency mula pa noong 1984 sa ilalim ng ilang Republicans at Democratic president at nabigyan siya ng Presidential Medal of Freedom ni President Geore W. Bush noong 2008.

Tinawag naman ni Trump ang lumabas na balita na isang uri ng ‘Fake News’.