Inihayag ni U.S. President Donald Trump noong Biyernes na maaaring magsimula na ang pakikipag-usap ng Amerika sa China sa darating na Lunes o Martes kaugnay ng isang posibleng kasunduan para sa pagbebenta ng TikTok.
“I think we’re gonna start Monday or Tuesday… talking to China, perhaps President Xi or one of his representatives,” ani Trump habang nasa Air Force One. “We pretty much have a deal.”
Maalala na noong nakaraang buwan, pinalawig ni Trump ang deadline para sa ByteDance, ang China-based owner ng TikTok, upang ibenta ang U.S. assets ng app hanggang Setyembre 17.
Isang kasunduan na ililipat sa isang bagong U.S.-based na kumpanya ang operasyon ng TikTok sa Amerika na halos naisaayos na ngayong taon, ngunit napigil matapos tutulan ng China, kasunod ng anunsyo ni Trump ng mas mataas na taripa sa mga produktong galing sa China.
Ayon sa Pangulo, kailangang aprubahan pa ng China ang anumang magiging kasunduan.
“I’m not confident, but I think so,” sagot ni Trump nang tanungin kung tiwala siyang papayag ang China. “President Xi and I have a great relationship… I think the deal is good for China and it’s good for us,” paglalahad pa ni Trump.