-- Advertisements --

Mabilis na nakaabot ng ilang milyong followers si BTS member V noong ito ay gumawa ng account sa TikTok.

Sa loob lamang ng isang araw ay nakaakit agad ito ng 3.5 milyon followers sa nasabing platform.

Nitong Sabado , Marso 14 lamang noong sumali si V sa nasabing platform.

Magugunitang nakatakdang maglabas ang grupo ng bagong album na “Arirang” kasama ang kantang “Swim” sa darating na Marso 20.

Ito ang unang album na ilalabas ng grupo matapos ang kanilang mandatory military enlistment.