Arestado ang isang babae matapos dahil sa pagbebenta ng mga pekeng BTS concert tickets.
Pinangunahan ng Cyber Financial Crime Unit ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang pag-aresto sa isang 27-anyos na babae.
Ang nasabing pag-aresto sa suspek na isang IT professional ay nagbunsod dahil sa reklamo mula sa ilang mga biktima matapos na madiskubre na ang kanilang mga nabiling concert tickets ay naibenta rin pala sa iba.
Naibenta ang nasabing tickets sa halagang P14,200 kasama na dito ang ARMY fan club membership fee kung saan ang original na presyo ng bleachers tickets ay nagkakahalaga ng P13,500.
Nakapag-down na ang biktimang P10,000 at ang natitirang P4,200 ay babayaran kapag nagkaroon ng pirmahan.
Subalit nag-message ang suspek sa kaniya at sinabing nagkaroon umano ng problema sa ticketing service kaya nagtanong ang biktima sa isang group chat.
Dito ay napag-alaman na mayroon itong kaparehas na tickets na napagbentahan rin o nabiktima ng suspek.
Hindi na nagdalawang isip ang biktima at agad na humingi ng tulong ito sa PNP -ACG at ikinasa na ang entrapment operations.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 315 (Swindling/ Estafa) ng Revised Penal Code at paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang suspek.
















