-- Advertisements --

Sumipa na sa 43 katao, kabilang ang 15 bata ang kumpirmadong nasawi matapos ang mapinsalang pagbaha sa Central Texas noong Biyernes, ayon sa mga opisyal ng lungsod.

Bukod dito, naitala rin ang mahigit 850 katao ang nailigtas habang dose-dosenang iba pa ang patuloy na pinaghahanap.

Pinakamatinding tinamaan ang Kerr County matapos bumuhos ang hanggang 38 centimeter na ulan na siyang nagpaapaw sa Guadalupe River na umabot sa 29 inches ang taas ng tubig.

Kabilang sa mga nawawala ang 27 batang babae mula sa Camp Mystic summer camp. Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahan pang tataas ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang paghahanap.

Sa ibang banda 17 katao din ang naiulat na nasawi sa Travis at Kendall counties.

Samantala humiling na si Texas Governor Greg Abbott ng federal disaster declaration para makapag pokus sa mga kanilang operasyon.

Habang nagpaabot naman ng pakikiramay si U.S. President Donald Trump at sinabing tutugon ang pamahalaan sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

‘Our Brave First Responders are on site doing what they do best,’ ani Trump sa kanyang social media.

Isinisi naman ng ilan sa dating pamunuan ng National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) ang kakulangan ng sapat at maagang babala, pati narin ang kakulangan ng mga tauhan dulot ng budget cuts ng administrasyong Trump.

‘People’s ability to prepare for these storms will be compromised. It undoubtedly means that additional lives will be lost and probably more property damage,’ pahayag ni dating NOAA director Rick Spinrad.