-- Advertisements --
Naglunsad ng airstrikes ang Russia patungo sa Kyiv, Ukraine.
Ayon Ukraine military na magkahalong drones at missiles ang tumama sa mga gusali at residential area.
Nangyari ang pag-atake isang araw matapos ang ginawang pag-uusap nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa telelpono.
Dahil dito ay maraming mga residente ang nagpalipas ng gabi sa mga shelters.
Tinawag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pag-atake bilang pinakamalaking airstrike ng Russia.
Giit nito na wala talagang anumang balak si Russian President Vladimir Putin na tapusin ang giyera.
Magugunitang isinusulong ng US ang peace deal kung saan kinakausap na ni Trump ang mga lider ng Russia at Ukraine para matapos na ang nasabing kaguluhan.