-- Advertisements --

Plano ngayon ng Office of the Ombudsman na gumamit ng artificial intelligence para labanan ang kurapsyon sa bansa.

Ayon kay Ombudsman Crispin Remulla, na bilang bahagi ng digitalization ay maari silang humingi ng tulong mula sa mga eksperto para makatulong sa makalikom ng mga impormasyon.

Sa dami na rin aniya ng mga dokumento at transaction sa kanilang opisina ay mahalaga ang tulong ng AI.

Pag-aaralan nilang mabuti at kukonsulta sila sa mga eksperto kung paano ito magamit ng tama.