Binigyang prayoridad ang mahalagang papel ng youth participation maging ang media at Information literacy sa 2026 ASEAN Peace Education High Level Conference sa Quezon City.
Nakapailalim din sa media information literacy ang maigting na pagprotekta sa privacy ng mga kabataan pagdating sa paggamit ng Artificial Intelligence. Nagpalitan din ng mga ideya ang youth representatives mula sa iba’t-ibang bansa sa South-East Asia patungkol sa pagbuo ng long-term solutions sa mga kinakaharap na krisis ng mga kabataan.
Napag-usapan din sa conference ang pagbibigay ng platforms sa mga kabataan, bilang young peace makers, at hindi sila tingnan bilang pagticipants lamang sa mga makabuluhang usapin kundi gawin silang mas epektibong tagapagtaguyod sa pag-unlad ng bawat rehiyon bilang paghahanda sa modernong panahon.
Ayon pa kay Presidential Peace Adviser Secretary Mel Senen S. Sarmiento, layunin ng tema ng 2026 ASEAN Peace Education na mas mapairal ang pagkakaroon ng critical thinking lalo na sa paglaganap ng artificial intelligence.
Dinaluhan ang forum ng ASEAN representatives, education officials, youth, iba’t-ibang government agencies at academic institution. Layunin din ng two-day high-level conference na ipatupad ang ang mga pangmatagalang solusyon pagdating sa peace education lalo na sa mga bansang kabilang sa Timog-Silangang Asya.
















