-- Advertisements --
Nagbigay paalala si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ukol sa paggamit ng teknolohiyang Ai o Artificial Intelligence.
Ang hindi responsableng paggamit aniya nito ay posibleng magdulot ng ‘injustice’ o kawalan ng katarungan.
Kaya’t pinag-iingat niya ang mga hukom, abogado, at estudyante sa naturang teknolohiya at binigyang diin na dapat hindi mapalitan ang pagpapasiya ng tao.
Binanggit din niya ang Supreme Court Ai Governance Framework na isang komprehensibong gabay sa responsableng paggamit ng teknolohiya.
Sa ilalim nito’y mahigpit na ipinatutupad ang ilang panuntunan para matiyak na aprubado muna ng korte bago gumamit ng Artificial Intelligence tools.
















