-- Advertisements --

Ibinabala ni Pope Leo XIV ang negatibong epekto ng artificial intelligence (AI) sa buhay ng tao.

Ito ang kaniyang naging pagbabala sa paghaharap niya kay French President Emmanuel Macron.

Nasa France kasi ang Santo Papa para sa kaniyang apat na araw na pagbisita.

Ayon sa Santo Papa na huwag sanang mawala ang pagiging makatao dahil sa mga naglipanang mga AI.

Sinalubong ni Macron ang Santo Papa sa kaniyang pagdating sa Orly airport.

Ilang mga aktibidad din ang gagawin ng Santo Papa gaya ng misa na gaganapin sa ipinatayong altar sa Place de la Concorde.