Nagpaalala ang Department of Health (DOH) para makaiwas sa mga sakit ngayong nagsimula na ang panahon ng Amihan.
Ayon sa ahensiya, ilan sa mga karaniwang sakit ngayong panahon ng Amihan ay trangkaso, sipon, pulmonya, allergic rhinitis, at panunuyo ng balat bunsod ng malamig at tuyong simoy ng hangin.
Kayat para maiwasan ang sakit tulad ng trangkaso at sipon, paalala ng DOH na maghugas ng kamay, magpahinga sa bahay kung may sintomas at kumain ng prutas at gulay.
Para naman sa allergic rhinitis, magsuot ng face mask kung nasa labas o kung maalikabok, linisin ang paligid at uminom ng antihistamine kung kailangan.
Para maiwasan ang Atopic dermatitis o eksema, dapat na gumamit ng moisturizer araw-araw, iwasan ang matagal na pagligo o harsh na sabon at manatiling hydrated.
Maaari ding komunsulta sa pinakamalapit na health center para sa tamang gabay at pangangalaga sa kalusugan.
















