-- Advertisements --
Nanawagan ang United Nations sa mga military junta ng Myanmar na tigilan ang pagpatay sa mga Rohingya ethnic group.
Ayon kay UN Secretary General Antonio Guteres na mahalaga na magtulong-tulong ang bansa para pigilan ang patuloy na paglaganap ng kaguluhan.
Labis din na naawa ito sa mga lumilikas na mga Rohingya ethnic group na nawalan ng mga bahay dahil sa ginawang pagtataboy ng mga junta sa Myanmar.
Umaasa ito na magkakaroon ng pakikipag-usap ang UN at mga namumuno sa Myanmar para matapos na ang kaguluhan.
Magugunitang maraming mga ethnic group ang pinalayas sa Myanmar matapos ang ginawang cleansing ng military junta.
















