-- Advertisements --
Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatuloy ng rice importation.
Ito ay sa kadahilanan na pagtatapos na ng rice import ban na nagsimula noong Setyembre at nagtapos sa katapusan ng taong 2025.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, na nagkaroon na sila ng kasunduan sa mga rice importers ng paglimita ng imports ng hanggang 300,000 metric tons ng bigas ng hanggang Pebrero.
Para matugunan ang problema sa port congestion sa Manila ay papayagan ang mga rice imports na dumaan sa ilang pantalan gaya sa Bataan at Poro Point sa La Union.
Inaasahan na darating ang rice imports sa Pebrero 28 na hindi ito makakaapekto sa panahon ng anihan.
















