-- Advertisements --
Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) ang P100-milyon na fuel subsidy para sa mga magsasaka at mangigisda dahil sa inaasahang pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay DA Spokesperson at Assistant Secretary Arnel De Mesa, na inaaral nila ang epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Dagdag pa nito na nababahala sila sa pangmatagalang epekto ng nasabing giyera sa Gitnang Silangan.
Ang nasabing halaga ay na-download na sa ahensiya at handa na nila itong ipamahagi sa mga kwalipikadong benepisaryo.
















