-- Advertisements --

Nilagdaan ng China at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nitong Martes ang pinalawak na free trade agreement, na inilarawan ni Chinese Premier Li Qiang bilang alternatibo sa “protectionist policies” ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Sa ASEAN-China summit, sinabi ni Li na ang mas malapit na kooperasyon ay makatutulong laban sa global economic uncertainties at dapat iwasan ang “confrontation” na aniya’y walang naidudulot na mabuti, isang patama sa US.

Ngunit nagpahayag ng pagdududa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na binigyang-diin na ang kooperasyon ay “hindi maaaring magsabay sa pamimilit,” lalo na’t patuloy ang tensiyon ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea. (report by Bombo Jai)