-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 55,000 na mga sundalo ng Ukraine ang nasawi matapos ang apat na taong pananakop ng Russia.

Ayon kay Ukraine President Volodymyr Zelensky, na maraming mga katao pa rin ang naiulat na nawawala.

Ang nasabing pahayag ay ilang araw bago ang nakatakdang pag-uusap ng kinatawan ng Russia at Ukraine.

Magugunitang patuloy ang pagsusulong ni US President Donald Trump ng usaping pangkapayapaan mula ng sumiklab ang giyera noong Pebrero 22, 2022.