-- Advertisements --

Papanatilihin Civil Aeronautics Board (CAB) ang airline fuel surcharge sa Level 4 pagdating ng buwan ng Nobyembre.

Ito na ang pang-apat na buwan na sunod na napanatili sa Level 4 ang fuel surcharge.

Nangangahulugan nito na magbabayad ang mga pasahero mula P117 hanggang P342 kada pasahero sa mga domestic flights na galing sa Pilipinas.

Habang aabot mula P385.70 hanggang P2,867.82 kada pasahero para sa international flight.

Ang fuel surcharge ay sinisingil ng mga airline companies sa mga pasahero para sa katiyakan din ng mga airline companies sa pabago-bagong presyo ng langis.