-- Advertisements --

Inirekomenda ng Land Transportation Office (LTO) na tuluyan ng pigilin ang pagsasagawa ng Boss Ironman Motorcycle Challenge (BIMC).

Ito ay matapos na maitala ang ilang aksidente sa kalsada.

Ipinag-utos din ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao sa pangulo ng BIMC na isumite ang drivers license nito habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ayon sa kalihim na patuloy ang imbestigasyon nila sa dami ng mga paglabag sa trapiko ng mga lumahok.

Base sa inisyal na ulat ng LTO na mayroong anim na pedestrians at participants ang nasugatan kung saan isa ang nasawi sa aktibidad na isinagawa noong Enero 31 at Pebrero 1 sa General Santos City.

Paglilinaw ng LTO na walang anumang permit silang ibinigay at maraming paglabag ang kanilang nakita.