-- Advertisements --

Papanatilihin ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa Level 4 ang fuel surcharges na kanilang ipapatupad sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa CAB ang hakbang ay para matiyak ang stability ng airline operations kahit na mayroong hindi tiyak na global fuel price fluctation.

Ito ang pangatlong magkakasunod na buwan na ipinatupad ng CAB ang level 4 na fuel surcharges.

Para sa Level 4 ay magbabayad ang mga pasahero na babiyahe lamang sa loob ng Pilipinas ng mula P117 hanggang P342 bawat pasahero depende sa layo ng biyahe.

Habang ang mga international flights ay magbabayad ng mula P85.70 hanggang P2,867.82 kada pasahero.

Ang nasabing halaga ay kinukuwenta sa bawat fuel consumption ng isang flight.