-- Advertisements --

Nanatiling nasa full alert ang Philippine National Police (PNP) ilang araw bago ang Nobyembre 30 na malawakang rally laban sa kurapsyon sa bansa.

Sinabi ni PNP Public Information Chief Brig. Gen. Randulf Tuaño na naka-type C general office attire ang mga kapulisan para sa inaasahang malakihang pagkilos.

Mayroong 167 na mga kapulisan ang nakatalaga sa Mendiola bilang bahagi ng paghahanda.

Hinikayat nila ang mga sasali sa rally na sumunod sa anumang utos ng kapulisan, irespeto ang kapwa rallyesta at tumulong na maging mapayapa at maayos ang kapaligiran.

Magugunitang ilang grupo na ang nagpahiwatig na lalahok sa panibagong Trillion Peso March laban sa kurapsyon na gaganapin sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.