-- Advertisements --
Mayroong panibagong 57 na buto ng mga tao ang narekober mula sa Taal Lake ngayong buwan.
Ayon sa Department of Justice, na tuloy-tuloy ang kanilang paghahanap sa mga buto ng tao na pinaniniwalaang mula sa mga nawawalang sabungero.
Mula noong simulan ng Philippine Coast Guard ang paghahanap ay ilang mga sako na rin na naglalaman ng buto ng tao ang natagpuan.
Tinatayang nasa 30 katao na ang naiulat na nawala mula 2021 hanggang 2022 dahil sa umanoy game-fixing na may kinalaman sa online sabong.
Magugunitang may ilang indibidwal na ang kinasuhan ng mga otoridad na nasa likod ng pagkawala ng mga nawawalang sabungero.
















