-- Advertisements --
Nananatiling wala pang talo Filipina striker Islay Erika Bomogao matapos maitala ang ikaapat na sunod panalo ng talunin si Ploychompoo PU Phabai sa ONE Friday Fights 134 na ginanap sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok.
Tinapos ng Pinay fighter ang laban sa loob ng 47 segundo ng ikalawang round.
Sa pagsisimula pa lamang ng unang round ay pinaulanan na ni Bomogao ng mga suntok at sipa ang kalaban.
Sinabi ng Baguio City native na hindi niya akalain na magwawagi kaya binigay ang lahat ng makakaya.















