-- Advertisements --
Isa na namang Pinay sa katauhan ni Islay Erika Bomogao ng Baguio City ang nagpamalas ng galing sa ibabaw ng ring.
Nagwagi si Islay sa pamamagitan ng knockout laban kay Klinphaka Por Thaisong sa Bangkok.
Sa unang round ay nahirapan siya sa malayuang sipa ng kalaban ngunit nakabawi sa ikalawang round gamit ang matutulis na siko.
Pagsapit ng ikatlong round, pinakawalan niya ang isang malakas na kanang suntok na agad nagpabagsak sa Thai fighter.
Tumigil ang laban matapos ang 13 segundo ng round at idineklara siyang panalo.
Ang tagumpay ay nagbigay sa kanya ng $100,000 kontrata at karagdagang performance bonus.
Sa panalong ito, nanatiling malinis ang rekord ni Bomogao na 5-0 at mas lalo siyang nakilala sa pandaigdigang entablado ng Muay Thai.
















