-- Advertisements --

Nag-uwi ng dalawang medalya ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa paglahok nito sa Muay Thai competition sa Thailand.

Si Police Corporal Jonard E. Apa-an ng PNP Anti-Cybercrime Group ay nagwagi ng silver medal sa 51-kilogram Muay Thai Combat Category.

Habang bronze medal naman ang naiuwi nito sa Wai Kru Singles event sa Siamyout Global Heritage Muay Thai Series 2026 na ginanap sa Samut Songkhram, Thailand mula Agosto 10-12.

Binati naman ni Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr si Apa-an dahil sa pagrepresenta niya sa PNP at maging ang bansa sa mga international competition.

Tiniyak ng PNP chief na suportado nila ang mga kapulisan na mayroong natatanging talento sa larangan ng sports at iba pa.