-- Advertisements --

Haharapin na ni Pinay Muay Thai fighter Islay Bomogao si Klinphaka Por Thaisong ngayong gabi, July 31, 2026.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Lumpinee Boxing Stadium, Bangkok, Thailand, sa ilalim ng ONE Friday Fights 164.

Paglalabanan ng dalawa ang Women’s Atomweight Muay Thai category.

Sa huling weigh-in ng dalawa, may timbang si Bomogao na 104.2 lbs habang nasa 105.0 lbs naman ang Thai fighter na si Thaisong.

Hawak ng 25-anyos na si Bomogao ang 4-0 record sa kaniyang ONE Championship career habang ito ay bahagi ng career promotion ng Thai striker sa kaniyang pagpasok sa naturang MMA league. Hawak niya ang 1-0 record sa kaniyang One Championship career.

Hawak ni Klinphaka ang bentahe sa kaniyang height sa tangkad na 5’2 habang kumpara sa 4’12 na height ng Pinay striker.

Gayunpaman, nananatiling bentahe ni Bomogao ang kaniyang malinis na fight record sa loob ng ring.