-- Advertisements --

Nakalabas na ng Correctional Institution for Women (CIW) si Cassandra Ong ang reprentative ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) company na Lucky South 99.

Kinumpirma ito ni Senator Sherwin Gatchalian sa ginawang pagdinig ng panukalang 2026 budget ng Department of Justice (DOJ).

Tinanong siya ni Senator Risa Hontiveros kung saan base umano sa impormasyon na ipinarating kay DOJ officer-in-charge Fredderick Vida kay Gatchalian.

Dagdag pa ni Senator Gatchalian na ikinagulat niya ang paglaya ni Ong na ginanap noong session break ng kongreso.

Na-detain umano sa House of Representative si Ong noong 19th Congress bago ang Hunyo at pagpasok ng 20th Congress ay doon siya pinakawalan.

Magugunitang na-cite in contempt si Ong ng House Committee dahil sa imbestigasyon na may kinalaman nito sa mga krimen na nagaganap sa POGO mula pa noong Setyembre 19, 2024.

Noong Setyembre 26, 2024 ay nailipat si Ong sa CTW sa Mandaluyong City matapos na aprubahan ng mosyon ng QuadCom na doon ito makulong.

Giit pa ni Sen. Gatchalian na ang kaso ay naisampa matapos na ito ay makalaya sa pagkakakulong.

Nauna rito ay nitong Mayo ay naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court Branch 118 sa Angeles, Pampanga laban kay Ong at iba dahil sa qualified traficking na may kinalaman sa umanoy scam hub na pinapatakbo ng Lucky South 99.

Noong buwan din ng Hulyo ay ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ni Ong laban sa resolusyon na DOJ na nagdidiin sa kaniya ng kasong qualified human trafficking.